Tatapusin ko rin ‘yung sinusulat ko, hintayin mo :)
1. Turuan ang kambal kong kapatid na gumamit ng MS Word.
Grade 5 na kasi sila next school year, nakakahiya naman hindi pa marunong, hahaha. Wala kasing inatupag kundi Facebook at kung anu-anong net games.
2. Magpaturo kay Daddy na mag-drive.
Syempre dapat marunong na ako, 18 na ako eh, at magiging helpful sa akin ang lisensya >:D
3. Pag-aralan ulit ang Algebra at Trigonometry.
Alam mo na yan :D hahaha
4. Gumala or outing with Archi.
Syempre miss ko na sila eh :)
5. Sumulat ng kahit isang essay, poem or short story.
May mga hindi pa kasi tapos, and may mga ideas din na kaylangan ilabas.
6. Mag-exercise!
Para pumayat, hahahaha!
Bibigyan kita ng isang scenario.
May estudyanteng naglalakad pauwi, gabi na. Walang ibang tao. Ngayon biglang siyang tinutukan ng patalim. Hold up.
Dalawa ang pwede gawin ng estudyante. Pwede niyang ibigay na lang kung ano man ang hinihingi ng holdaper, o kaya naman ay manlaban. Kung swertehin ay matatalo niya ito at makakauwi ng buo. Kapag minalas ay may libre na siyang gripo sa tagiliran. At hindi rin sigurado kung makakauwi pa siya ng buhay.
Sabihin natin na ‘yung unang option ang pinili niya. Isipin natin na hindi ganoong kasama ang holdaper at matapos makuha ang gusto ay pinatakas na siya. Makakauwi ang estudyante ng buo. Pero malang maging gripong sira naman ang bibig ng magulang niya kapag nalaman na nawala ang kung ano mang kinuha sa kanya ng holdaper. “Bakit kasi hindi ka nag-iingat?”, “Bakit kasi nagpagabi ka ng uwi?”, “Sana nagpasama ka kay *kung sino man ang gustong gawing bodyguard ng nanay mo*.”, “*Insert malutong na mura here*”. Hindi ka na makakalusot diyan dahil pansamantalang bibig lang niya ang gagana at mawawalan ng silbi ang tenga niya para pakinggan ang ano mang rason mo, valid man o hindi. I-o-override ng nanay mo ang portion ng utak niya na nakalaan para sa tenga niya para naman solid ang mga mura nya. Syempre mawawalan ka na rin ng ganang makipag-debate. Ikaw ba naman ang talakan eh. Tsaka nanghihinayang ka rin dun sa naholdap sa’yo. Ha ha ha.
Ngayon, i-consider natin ang option number 2. Matapang ka eh. Ginaya mo ang mga moves na nakita mo sa TV with matching sound effects. Okay na sana eh, para ka ng si Power Ranger Red. Kaso ang problema eh kargador yata sa pier yang holdaper. Hindi effective sa kanya ang moves mo. Para ka lang bata ng pumipindot ng random buttons kapag naglalaro ng PSP. Natapat pa na kalalabas niya lang yata ng kulungan o mental ward, kaya naman nainis at nilagyan ka kaagad ng gripo, sabay takbo. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ka na nakapag-update ng status mo. Hindi ka na nakapag-tweet. Hindi mo na nagawang magtext sa iyong loved ones. Tapos namatay ka na. Eh di hagulgol naman ngayon ang mga magulang mo. Gusto nilang sabihin sa’yo na sana ibinigay mo na lang ang hinihingi ng holdaper, eh di sana buhay ka pa. Materyal na bagay lang naman ‘yun eh.
Ang gulo ‘di ba? Syempre sasabihin mong kaya ganoon eh kasi nga magkaiba naman ang nangyari. Pero ang point ko lang naman dito, sa paningin ko, ay mas pinapahalagahan ng tao ang mga bagay na wala na. Nakikita nila ang worth ng isang bagay kapag wala ito sa kanilang mga kamay.
Mahirap pero sana ay alam natin sa bawat panahon kung ano ang mas mahalaga. Hindi ‘yung paiba-iba dipende lang sa sitwasyon, kung umaayon sa iyo o hindi. Hindi lang naman kasi sa iyo umiikot ang mundo.
Ngayon, tatanungin kita, alam mo na ba kung anong mas importante sa’yo? O aalis na muna ako?